![]() |
Food trip kasama ng Diverse Food Canada |
![]() |
|
Diverse Food Canada, the official Facebook page of food bloggers Alfonso and Milan |
|
![]() |
|
Mouthwatering vegan cinnamon rolls from Cinnaholic |
|
![]() |
|
Arabian bread (kubus) and Syrian style baked chicken with tomatoes and herbs from Mozaeic Catering |
|
![]() |
|
Sumptuous Thai Chicken curry from Kyu Bochi |
|
![]() |
|
Spicy but tasty dinner at Vinnie’s Hot Foods in Selkirk, MB |
ni Noel Lapuz
Noong Agosto 2011 ay isinulat ko sa kolum na ito ang artikulo kong may pamagat na “Food Trip.” Take note, bago pa man gamitin ang pangalang “Food Trip” sa food festival dito sa Winnipeg ay nauna ko nang ginamit ang katagang ito sa Batang North End kolum na inilathala sa pamamagitan ng Pilipino Express. Dito ay itinampok ko ang paborito kong restaurant sa Pilipinas na Ma Mon Luk at ang aking paghahanap ng masasarap na kainan dito sa Manitoba.
In fact, matapos kong ilathala ang aking article na “Food Trip” ay nakatanggap ako ng e-mail mula sa may ari ng Ma Mon Luk na nagpasalamat sa aking “review” sa kanilang restaurant. Kaya nga, kapag uuwi kayo ng Pilipinas ay huwag ninyong kalilimutan na dumalaw sa Ma Mon Luk restaurant at doon ay makikita ninyo ang aking article na “Food Trip” sa Pilipino Express na naka-plake at naka display sa loob ng tanyag na kainan.
Sa Ma Mon Luk unang naimbento ang mami. Narito ang link ng aking article noong 2011: http://pilipino-express.com/eh-kasi-pinoy/batang-north-end/1341-food-trip.html
Summer ng taong ito ay lumitaw sa social media, partikular sa Facebook, ang dalawang lalake na walang ginawa kundi ang ipakita ang kanilang mga kinakain. Nakakatakam at nakakagutom manood sa dalawang ito. Sila si Alfonso at Milan ng Diverse Food Canada. Ayon sa kanilang Facebook page, nagsimula ang kanilang “eating show” nang isang araw ay naisipan nilang i-Facebook live ang kanilang lunch time sa office. Magkasama di-umano sa iisang opisina sila Alfonso at Milan.
Sa mga una nilang live videos ay ipinakita nila kung ano ang kanilang mga baon. Bukod sa nakakagutom ang kanilang show ay nagbigay din ito ng ideas sa mga manonood kung ano ang mga puwedeng iluto o ihanda para sa kanilang mga pamilya. Mayroon ding mga nagpasalamat na mga parents dahil naging daan ang mga videos nina Alfonso at Milan para kumbinsihin ang kanilang mga anak na kumain ng mga masusustansyang pagkain.
Sabi din ng ilang viewers ng Diverse Food Canada, ang mga videos nila ay nasa kategorya ng mukbang. Ang mukbang ay isang uri ng video blogging na ipinakikita ng mga food bloggers ang kanilang mga kinakain at ipinaririnig ang bawat nguya at kagat ng pagkain. Ayon sa mga mukbang followers, nakapagbibigay di-umano ng kakaibang ligaya at sensasyon ang panonoood at pakikinig sa mga taong masarap kumain. Mayroon din namang mga tao na nanonood sa mga mukbang videos para ma-relax at para lang music na nagsisilbing background habang sila ay nag-aaral o nagtatrabaho.
Nakatanggap pa ng ilang mga mensahe sina Alfonso at Milan at sinabing ang kanilang mga videos ay bahagi ng ASMR or Autonomous Sensory Meridian Response. Ang ASMR effect sa panonood ng eating shows ay nakapagdudulot di-umano ng kakaibang kiliti at nasasarapan ang nakikinig habang pinakikinggan ang pagkain at pagnguya ng mga video artists. Food orgasm ang sabi ng ilan dito.
Nagpatuloy ang eating show nina Alfonso at Milan sa pamamagitan ng pagkain ng kanilang mga baon hanggang sa tinawagan sila ng ilang mga restaurant owners, food and condiment suppliers, bakeries at mga licensed food distributors para mai-feature ang kanilang mga specialties sa Diverse Food Canada live eating show. Pati ang mga ginagamit na plato, platito at tumblers nina Alfonso at Milan ay may nag-sponsor na rin.
Dumami pa ang mga partners ng Diverse Food Canada kabilang ang isang malaking Canada-owned and Canada-wide Chicken and Taters restaurant na ginawang social media partners sina Alfonso at Milan para sa kanilang branch grand opening sa Winnipeg at para sa promotion ng kanilang mga special offers.
Sa iilang buwan lamang ay nai-feature ng Diverse Food Canada ang iba’t ibang restaurants tulad ng Chinese, Japanese, Thai, Caribbean, Vietnamese, Ukrainian, Pakistani, Syrian, West Indian, East Indian, at marami pang iba. Ayon pa sa kanilang social media post, “Diverse Food Canada aims to discover and promote the rich diversity of Canadian cultures and flavours.”
Hindi nagcha-charge ng advertisement fee ang Diverse Food Canada. Ito raw ay ang kanilang ambag sa komunidad ng Canada upang pag-isahin ang lasa ng bawat Canuck sa pamamagitan ng pagsubok ng iba’t ibang panlasa. “Our videos may eventually change the way Canadian families prepare their meals. We discover, introduce, promote and eat. We may in some ways influence our viewers to try different delicacies and adopt these specialties into their kitchen homes.” Isinaad pa nila sa kanilang social media post.
Masarap talagang pag-usapan ang pagkain. Ang uri ng ating pagkain ay nag-e-evolve o nagbabago. Puwedeng mag-modify ng pagkain at mula dito ay makadiskubre ng mga bagong pagkain at panlasa.
Sa pamamagitan din ng piging ay nagkakaisa ang mga tao. Ang piging ay isang pasasalamat at masayang pagsasama-sama at salu-salo ng katauhan para sa magandang kainan!
Patuloy nating tangkilikin ang iba’t ibang pagkain lalo na’t niyakap na natin ang pagiging Canadian na may ugat pa ring Pilipino. Ayon nga sa hashtag ng isang Fil-Canadian sausage maker sa Manitoba: #supportlocal #Canadian #PhilippineRoots
Salamat sa Diverse Food Canada dahil sa kanilang pagtatampok ng mga pagkain na nakapagpapagana, nakapaglalaway at nakapagbubuo sa atin bilang bahagi ng diversified Canadian communities.
Food trip na ulit with Diverse Food Canada!
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.