![]() |
Ingat lang kabayan |
ni Noel Lapuz
July 11, 2015, halos mag-ta-tatlong taon na ang nakalilipas nang huling makita si Thelma Krull, 57 taong gulang na misteryosong nawala na lamang matapos umalis ng kanilang bahay sa East Kildonan area, Winnipeg. Kabi-kabilang paghahanap ang ginawa ng mga tauhan ng Winnipeg Police Service at mga volunteers upang hanapin si Thelma ngunit hindi sila naging matagumpay. Walang trace. Walang bakas.
Dalawang taon mula sa pagkawala niya ay nagdesisyon ang korte na ideklarang “legally dead” si Thelma. Noong Agosto 2017 ay nagsampa ng court application si Robert Krull, asawa ni Thelma na ideklarang patay na ang kaniyang asawa upang maisa-ayos ang mga naiwan niya. Ayon sa affidavit na isinumite ni Robert, wala di-umanong problema sa finances, trabaho or anumang habla ang nawala o namatay na asawa.
“Thelma did not have any serious financial, employment or other legal problems and her disappearance was completely out of character for her,” he said about his wife in a sworn affidavit.
Ganumpaman, bagama’t idineklarang patay na si Thelma ay umaasa pa rin ang pamilya niya na magkakaroon ng kahit anumang impormasyon kaugnay ng kaniyang misteryosong pagkawala.
May isang teorya ang Winnipeg Police na may posibilidad na pinatay si Thelma ayon na rin sa ebidensyang nakita diumano si Thelma sa isang physical altercation sa isang lalake.
Police have said they believe foul play is involved in the case and released sketches of a suspect in her disappearance in July, 2015. Police also said they believe she was involved in a physical altercation with a man and forcibly taken from the area. Krull was seen with a heavy-set man in the area of Kimberly Avenue and Grey Street and appeared to be in distress, police have said.
Walang balita kung nahuli o na-question man lamang ang suspect. Makalipas ang tatlong taon ay nananatili pa ring misteryoso ang kaniyang pagkawala. Kung pinatay man siya ay wala pa ring katarungan hanggang sa ngayon ang sinapit ng kaniyang buhay.
October 1, 2017. May natagpuang patay sa city pond sa Woodsworth Park off Keewatin St. Ayon sa Winnipeg Police, ang bangkay ay adult male. Matapos ibalita ito ay wala nang impormasyon sa media kung sino ang natagpuang bangkay. Maaaring ang mga kamag-anak na lamang ng biktima ang sinabihan ng kapulisan kung natukoy man nila ang bangkay.
Ang Woodsworth Park ay nasa likod na Keewatin St. that connects to King Edward St. at Selkrik Avenue. Medyo tago ang lugar lalo na kung nasa loob ka mismo ng park. Walang masyadong tao. Sa kabilang panig ng area ay may mga establishments na tila junkyards ng mga lumang sasakyan at mga gulong. Ilang na lugar kung isasalarawan ko ito.
Ang crime severity index ng Statistics Canada ay isang data presentation ng pagtaas o pagbaba ng crime rates sa bawat probinsya ng Canada. Noong nakaraang taon, bagamat tumaas lamang ng one per cent ang crime rate ay tumaas naman ng 8 per cent ang volume at severity of crime sa Manitoba. Ibig sabihin, mas marami ang nai-report na kaso ng krimen sa Manitoba sa mga nakalipas na taon.
Marami ang nagsasabi, kabilang na ang Winnipeg Police Service, na “continuing and worrying trend” na diumano ang pagtaas ng bilang ng violent crimes sa Winnipeg. More people in Winnipeg were victims of violent crimes last year, according to crime statistics.
Ayon pa sa mga autoridad, ang mga krimen sa Winnipeg ay associated sa mga gangs at ilegal na droga.
“Officers are dealing with the problems associated with methamphetamine, cocaine and opioids on a daily basis,” the news release says. “Street gangs compete for territory, often leading to violence. Drug users often resort to crimes to fuel their addiction.”
Ang crime prevention ay napaka-importante. Dapat pag-ibayuhin pa ng gobyerno ang pagsugpo sa mga krimen sa pamamagitan ng pag-identify sa mga causes ng crimes o ang mga ugat kung bakit nangyayari ang mga krimen. Maraming factors ang kabilang sa mga ugat ng krimen tulad ng kahirapan, kawalang-edukasyon, injustice, mental illness, social acceptance at marami pang iba. However, hindi excuses ang mga factors na ito sa pagpapatuloy na paggawa ng masama. Kung nagkamali, dapat lang na parusahan.
Ang artikulong ito ay hindi isinulat para takutin ang mga mambabasa dahil sa sitwasyon ngayon sa Winnipeg. Bagkus, ito ay isang paalala ng ibayong pag-iingat saan man tayo naroroon.
Ingat lang, mga kababayan.
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.