![]() |
I will definitely run! |
ni Noel Lapuz
Parang kailan lang ay ginanap ang civic elections sa Winnipeg noong iniluklok sa pagka-mayor si Brian Bowman kapalit ng di na muling tumakbong dating mayor na si Sam Katz. Tinalo ni Brian Bowman sina Judy Wasylycia-Leis, Gord Steeves, Michel Fillion, Robert Falcon-Oullette at si Paula Havixbeck.
Bukod sa mayor ay boboto muli tayo ng mga konsehal at school board trustees.
Four years ago ay tinanong ko ang mga mayoral candidates kung ano ang mga plano nila sa North End. Siyempre puro magaganda ang sinabi nila para makaakit ng boto. Silipin ang aking mga articles apat na taon na ang nakalilipas (www.pilpino-express.com). Mapapansin ninyong wala si Brian Bowman sa aking mga nakapanayam. Hindi kasi umabot sa deadline ang kaniyang mga sagot at hindi siya mismo ang sumagot sa aking e-mail kundi ang isang nagngangalang Kelly McCrae na nagsabing:
“I’m handling some of Brian Bowman’s media requests. Very sorry for not responding sooner, much going on and the e-mails can be a bit tough to stay on top of.”
- http://www.pilipino-express.com/eh-kasi-pinoy/batang-north-end/2544-ano-ang-say-ng-mayor-mo-tungkol-sa-north-end.html
- http://www.pilipino-express.com/eh-kasi-pinoy/batang-north-end/2545-ano-ang-say-ng-mayor-mo-tungkol-sa-north-end-part-2.html
- http://www.pilipino-express.com/eh-kasi-pinoy/batang-north-end/2571-ano-ang-say-ng-mayor-mo-tungkol-sa-north-end-part-3.html
Ang tanong, may pag-asa pa kaya siyang mahalal na muli o one-term mayor lamang siya at tatalunin siya ng isang pulis o ng dating bus driver o dating mayor ng Morden o ng isang mayamang taxi operator? Ganoon din naman sa mga konsehal at mga school trustees. May matitimbog kaya sa puwesto dahil nakakasawa at nakakaumay na sila o makakasilat pa sila ng isa pang termino?
Para maging updated kung sinu-sino ang tumatakbong mayor, konsehal at school board trustees ay bisitahin ang website ng City of Winnipeg o tumawag sa 311, pero maghanda sa pag-aantay nang matagal sa linya bago ka makakausap ng agent.
Parang komedya talaga ang politika; kung kailan malapit na ang eleksyon ay doon natin nakikita ang mga di mabilang na ribbon cuttings at launching ng kung anu-anong mga programa. Halatang halata naman na pamumulitika lang ang habol nila. Panahon na naman ng mga ligawan. Mabubuhay na muli ang mga dati mong kakilalang akala mo ay wala na sa Winnipeg pero magugulat ka sa pagkatok nila sa iyong pinto para kunin ang iyong boto. Hindi sila mga ahente ng telepono o nangangaral ng relihiyon, sila’y mga kandidatong bigla na lamang susulpot sa inyong bakuran (aapakan ang inyong bagong suklay na lawn) at makikiusap kung puwedeng makiturok ng kanilang election sign.
Kapag naiboto na muli sila, hindi ka na muli nila kakilala. Nakakatawa talaga ang buhay pulitika. Punong puno ng gamitan.
May consistency naman ang mga pulitiko dahil laging nasa mga benches at basurahan ang kanilang mga pangalan at mga pagmumukha all year round. Salamat sa public funds at may libreng ads sila.
Abangan natin kung sinu-sino pa ang mga tatakbong mayor, konsehal at school board trustees. Magandang subaybayan ito. Parang sitcom lang sa TV.
Speaking of running, matagal tagal na rin akong tumatakbo bilang bahagi ng aking promotion ng health, wellness at happiness. Akala ko noon ay mamatay akong may nakaipit na yosi sa kanang kamay at may hawak na alak sa kaliwa. Napakahirap mag-quit ng smoking. Maraming beses akong nag-cheat at nag-fail hanggang sa dumating sa puntos na inayawan ko na talaga siya. Taong 2011 nang huminto ako ng paninigarilyo kasabay ng pagsilang ng aming bunsong anak.
Sa mga smokers, hindi pa huli ang lahat. Ang ilang oras ng pagtigil ninyo ng paninigarilyo ay simula ng pagbuo ng isang araw na walang yosi, isang linggo, isang buwan, isang taon hanggang sa habang buhay n’yo ng malilimutan at itatakwil siya sa inyong mga sistema.
Sabayan mo ng takbo. Isang epektibong paraan para ma-divert ang attention sa yosi ay ang exercise. Sa akin, naging mabisa ang pagtakbo, sa ibang tao naman naging effective ang swimming, yoga, cycling at marami pang ibang uri ng sports. Kapag kasi tumigil ka ng magyosi ay tataas ang iyong apetite at lalakas kang kumain kaya dapat lang na sunugin mo ang libo-libong calories na iyong ini-intake bunga ng iyong gana sa pagkain.
Aside from running itself, most running races are intended to support lots of causes. Ang katatapos lang na Winnipeg Police Half Marathon ay nag-raise ng funds in support of Cancer Care Manitoba. Sa darating na June 28 ay tatakbo ng 100 miles for 30 hours si Junel Malapad kasama ang maraming runners in support of mental wellness sa Garbage Hill sa area ng St James. Ito ay ang annual na Take Stigma to Trash.
The biggest run event in Manitoba will celebrate its 40 years. Ang Manitoba Marathon ay gaganapin sa Father’s Day, June 17th. The Manitoba Marathon Foundation was created to support people with intellectual disabilities.
Tatakbo sa politika o tatakbo sa marathon? Will I run for a position in this coming civic elections or will I run for marathons? Abangan n’yo na lang po ang pag-file ko ng registration sa race.
Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).
Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Batang North End ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.