Quantcast
Channel: Batang North End
Viewing all articles
Browse latest Browse all 121

Ang pamahiin tungkol sa “S” word

$
0
0
   

Ang pamahiin tungkol sa “S” word

Biyernes ng hapon noong nakaraang linggo nang humahangos na bumalik sa classroom ang aking classmate at may pangambang sinambit sa amin ang katagangang: “It’s so windy out there, I hope it’s not the “S” word.” Sumagot naman ang professor namin at sinabing: “Yeah don’t worry, it’s not the “S” word; it’s just dust.”

Feeling ko ay nasa Taguig lang ako habang nakatawa kong pinakikinggan ang mapamahiing kaugalian ng mga Canucks. Sa ganitong panahon kung saan katatapos lang ng summer ay isang “kasalanan” na maituturing sa maraming Canadians ang pagsambit ng katagang snow. Una ko itong narining nung unang taon ko rito (2009) kung saan tinanong ko pa sa isa kong officemate kung anong ibig sabihin nila sa “S” word. Ipinaliwanag niya sa akin ang nakaugalian na ng mga Canadians na huwag sambitin ang salitang ito sa paniwalang kapag sinabi mo ang katagang snow ay baka maaga itong dumating.

Ang paniniwalang ito bagama’t hindi dokumentado (sa aking pagkakaalam) sa kultura ng mga Canadians ay maituturing kong isang urban myth or contemporary legend. Alam kong conscious ang kaisipan ng mga Canadians na ito ay isa lamang myth, pero hindi nila maiwasang hindi sumunod sa kinagisnang kaugalian.

Lumalabas na para ding istilong Pinoy ang paniniwalang ito ng mga Canadians.

Ako mismo ay lumaki sa pamayanang sumusunod sa mga pamahiin at nakikinig sa mga urban myths. Isang classic na halimbawa ay ang pagsambit ng: “tabi-tabi po” kapag ako ay naglalakad sa mga masukal, magubat o liblib na lugar. Ito ay isang pagbibigay respeto at pasintabi di-umano sa mga creatures na naninirahan sa mga lugar na iyon.

Ang urban myth sa aking pananaw ay isang evolution. Ang isang phenomenal at common experience ng mga tao ay puwedeng gawing sangkalan ng komunidad para maging bagong legend or kasabihan. Sa bawat panahon ay may nabubuong bagong paniniwala, kahit pa sa napaka-modernong buhay natin.

Ang mga IT (Information Technology) people ay may “pinaniniwalaang” Demo gods (Demonstration gods). Ang mga Demo gods ang siyang gumagabay sa mga computer-assisted presentations. Kapag daw may kapalpakan ang iyong presentations due to unexpected technical problems ay malamang na wala sa iyo ang Demo gods sa mga panahong iyon. Ito ay isang biro sa corporate world, pero unti-unting nagiging urban myth sa paglipas ng panahon.

Napakarami nating pamahiin at paniniwala bilang mga Pilipino at bilang mga tao. Ito ay base sa ating kinagisnang pamilya, kinalakhang komunidad at pundasyon ng ating pananampalataya. Isang tumatak sa aking isip na turo ng aking mga magulang ay ang huwag magpa-alipin sa mga kasabihang ito. Ang paliwanag ng aking mga magulang, walang pinakamakapangyarihan sa lahat kundi ang ating pinapaniwalaang Diyos. Dahil sa ating faith ay napapawalang-bisa natin ang mga kasabihang ito.

Maraming beses ko nang napatunayan kung gaano ka-powerful ang pananampalataya at panalangin. Totoo ang answered prayers. Totoong may tugon ang ating mga panalangin. Hindi ito myth kundi ito’y isang katotohanan.

Nakaka-depress daw kapag unti-unti ng nalalagas ang mga dahon at unti-unti ng lumalamig. Ito ba ay isang katotohanan o urban myth na naman?

Sa aking palagay wala sa klima ang kaligayahan ng isang tao, wala sa lugar at wala sa antas ng pamumuhay kundi ito ay nasa puso nating lahat – panahon man ng winter, spring, summer or fall.

Sa pagbabago ng ating klima, nawa’y magpasalamat tayo sa isang masayang summer and let us look forward to a blessed fall and winter regardless kung maaga o late mang dumating ang inaabangan nating “S” word.

Si Noel Lapuz ay dating OFW sa Middle East (Dubai at Qatar). Nagtrabaho nang sampung taon sa City Hall ng Taguig bilang Human Resource Management Officer. Naging bahagi ng Bata-Batuta Productions bilang manunulat, entertainment host at stage actor. Nagtatag ng Kulturang Alyansa ng Taguig. Kasapi ng Ecumenical Movement for Justice and Peace (EMJP).

Have a comment on this article? Send us your feedback


Viewing all articles
Browse latest Browse all 121

Latest Images

Trending Articles



Latest Images